easy ka lang
Oct 28, 2008
4:53 am
tagalog muna. hirap na ako mag inggles e. (hahaha)
medyo naging mahirap sa kin ang nakaraan na buwan. masyadong busy sa work at medyo maraming iniisip. hindi kasi simple yung buhay eh. minsan may komplikasyon. naisip ko nga minsan parang pelikula ang buhay. kelangan laging may drama. may conflict. hindi ba pwede yung tuloy tuloy na maayos yung buhay. yung masaya. walang hassle. yung tipong pasok ka sa work, uwi ka sa mga mahal mo sa buhay. salo salo sa hapunan. kwentuhan tawanan. simple lang. pero gaya ng pelikula, hindi siguro maiiwasan na mawalan ng drama ang buhay. laging may kontrabida. laging may kaaway at meron din naman mga kakampi. hindi lang katatawanan ang lahat. may iyakan din. wala lang napansin ko lang. hindi simple ang buhay eh.
Isa pang napansin ko eh napakabilis ng panahon dito sa Tokyo. Lahat ng tao nagmamadali. Lahat ng tao may schedule. May deadline. Hectic na nagiging toxic kung hindi maingat.
kailangan tumigil muna at magpahinga ng konti. easy ka lang.