uwian na (naman)

4/25/2008
12:46am

nakakaantok na parang hindi. hindi pa nga ako nakakapag-empake eh. pero the good news is ilang oras na lang ay makikita ko na uli ang aking mga mahal sa buhay…ang aking wife na si Diane and of course ang aking nag iisang anak na si Patricia. wow. ang sarap ng pakiramdam. corny siguro pakinggan, hahahaha, pero it is what it is. hindi ko na rin ma -explain sa words eh. ang takot ko lang siguro eh yung hindi na ako maalala ng anak ko. sino ba itong mamang ito? at hindi nya na ako tuluyang makilala. oo, aaminin ko…bad trip talaga ang maging malayo sa pamilya. minsan hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangan maging ganito. don’t get me wrong. excited talaga ako umuwi. pero alam nyo ba ang nasa isip ko ngayon? pagkatapos ng dalawang linggo, balik na naman ako dito. mag isa. ang angal ko ano? hehehe. i realized na blessed talaga ang buhay ko, pero cguro ganun talaga na hindi talaga pwede sa buhay na lahat ng gusto mo at lahat ng plano mo eh masusunod. wala talagang dapat gawin kung hindi magdasal na lang, at huming ng tulong sa Diyos, ng direksyon kung ano ba ang dapat gawin. Siguro ang mahalaga talaga eh yung ngayon. So sa ngayon, malapit na ako magbakasyon, at makikita ko na mamayang gabi ang asawa’t anak ko. Sa sabado naman, magkikita kami ng tatay ko at kapatid. Sarap talaga ng pakiramdam ng uuwi. Sana kung pwede lang na pagbalik sa Japan, kasama ko na rin silang lahat. Wala naman sigurong masama kung managinip di ba?

Tricia…Daddy’s coming home. See you soon anak!

Leave a Reply